MARKET INSPECTION, ISINAGAWA SA MANAOAG

Nagsagawa ng inspeksyon sa mga pamilihan ng Manaoag ang alkalde, General Services Office at Market Marshals bilang pagtiyak sa kaayusan sa lugar kung saan namimili ang mga konsyumer.
Isa-isang tiningna at nilibot ang mga pwesto ng mga tindero at tindera sa mga pamilihan mula gulay hanggang sa mga produktong karne.
Sa pamamagitan nito ay matitiyak ang kaayusan, kalinisan at maayos na operasyon ng palengke.
Samantala, hinihintay na rin ng mga tindero at tindera ang isinasagawang dalawang palapag na gusali na siyang palengke na kanilang lilipatan para sa mas magandang pwesto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments