Sinasanay ng Pamahalaang Lungsod ng San Fernando, La Union ang 30 rehistradong fish vendors sa mas epektibong pagnenegosyo at pagmemerkado sa isinagawang dalawang-araw na “Training on Enterprise, Value-Adding, and Marketing Strategies”.
Tinalakay ng mga eksperto mula City Agriculture Office at Don Mariano Marcos Memorial State University – North La Union Campus ang mahahalagang kaalaman sa pagpapalago ng kita at value-adding sa kanilang produkto.
Bahagi rin ng programa ang pagpapakilala ng paraan ng dagdag-kita gamit ang paggawa at pagpoproseso ng oyster mushrooms, kasama ang pamamahagi ng mushroom fruiting bags.
Patuloy namang nagpapatupad ang lokal na pamahalaan ng mga pagsasanay para mapaunlad ang kabuhayan ng maliliit na negosyante sa lungsod.









