Marlon Casquejo, itinalagang bagong COMELEC commissioner

Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Marlon Casquejo bilang commissioner ng Commission on Elections (COMELEC).

Si Casquejo ang sasalo sa iiwanang pwesto ni Christian Robert Lim na nagretiro na nitong Pebrero.

Ayon sa Malacañang, nitong June 18 pinirmahan ng Pangulo ang appointment paper ni Casquejo.


Bago ito, nagsilbi si Casquejo bilang assistant regional election director ng COMELEC-Davao

Sa ngayon, naghahanap pa ang Pangulo ng isa pang bagong COMELEC commissioner na papalit kay Arthur Lim na nagtapos na ang termino nitong Pebrero.

Facebook Comments