Marshall Islands President Hilda Heine, nagpahayag ng suporta sa Pilipinas sa gitna ng panibagong pangha-harass ng China sa WPS

Nagpahayag ng suporta sa Pilipinas si Marshall Islands President Hilda Heine, sa gitna ng panibagong pangha-harass ng China sa barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sa courtesy call ni Heine kay Pangulong Bongbong Marcos, sinabi nito na ang kasalukuyang aksyon ng China ay isang concern hindi lamang sa ilang bansa kundi pati na sa buong rehiyon.

Iminungkahi rin nito kay Pangulong Marcos, na idulog na ang hindi matapos-tapos na usapin sa Pacific Islands Forum (PIF).


Tiniyak naman ni Heine na aalalay sila sa Pilipinas sa anumang desisyon na gagawin nito hinggil sa PIF bukod pa sa suportang pwede nilang ibigay sa bansa.

Samantala, welcome naman kay Pangulong Marcos ang pagsuporta ni Heine sa paninindigan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Facebook Comments