![sasakyan-espana](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2018/09/sasakyan-espana.jpg?resize=696%2C392&ssl=1)
Pinayuhan ng pamunuan ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta dahil sa inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko mamaya kaugnay sa paggunita ng ika-46 na anibersaryo ng martial law.
Base sa inilabas na traffic advisory ng MPD-Traffic Enforcement Unit, isasara ang ilang kalsada para sa “Talakayan sa Mapayapang Paggunita ng Martial Law” mamaya.
Kaninang alas 6 ng umaga ay sarado na ang North at Southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak hanggang Pres. Quirino; Eastbound lane ng TM Kalaw mula Ma. Orosa to Taft Ave; East at West bound lane ng TM Kalaw mula MH del Pilar to Roxas Blvd. at U.N Ave. kanto ng Roxas Blvd. Service Road.
Lahat naman ng uri ng sasakyan mula Northern part ng Maynila na nais dumaan sa kahabaan ng Roxas Boulevard southbound lane na galing Delpan Bridge-Pier Zone ay dapat kumaliwa sa P.Burgos hanggang sa kanilang destinasyon.
Kakaliwa naman MH del Pilar patungo sa kanilang destinasyon ang lahat ng mga sasakyang tatahak ng west bound lane ng TM Kalaw patungong Roxas Boulevard.