MARTIAL LAW ANNIVERSARY | Mga militanteng grupo, tumulak na sa Mendiola

Tumulak na sa Mendiola ang mga raliyista na galing Quezon City.

Nakaalis na ang caravan ng militanteng grupo mula Bicol Region at Southern Tagalog Region sa compound ng CHR.

Sila ay nagpalipas ng magdamag dito at ngayon ay umarangkada na papuntang Maynila.


Nasa bahagi na sila ng Quezon City elliptical road sa tapat ng Department of Agrarian Reform (DAR) at okupado ang dalawang lanes.

Ang ruta ng grupong ito ay sa Welcome Rotonda, dadaan ng UST sa Espanya at diretso ng Mendiola Bridge sa Maynila.

Facebook Comments