Manila, Philippines – Inihaayg ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na bukod sa mga napagtagumpayan ng Administrasyon sa nakalipas na taon ay malaki din ang posibilidad na maisama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address ang pagbabalik ng operasyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prison at ang umiiral na Martial law sa Mindanao.
Ayon kay Andanar, patuloy na nangangalap ng report o accomplishment ang Office of the President sa mga ahensiya ng pamahalaan para maisama sa SONA pero kasama siya siyempre ang mga bagong issue tulad ng Martial Law at ang binanggit ng Pangulo na problema sa droga.
Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte na batay sa impormasyong nakarating sa kanya ay aabot sa halos 400 kilo ng shabu ang nahuli sa NBP at lumawak pa aniya ang operasyon nito kung saan nakaabot na ito sa Davao Penal Colony.
Pero kapansinpansin naman na hindi binanatan ni Pangulong Duterte si Justice Secretary Vitallano Aguirre sa kabila ng muling pagusbong ng operasyon ng iligal na droga sa NBP na nasa ilalim ng Bureau of Corrections na nasa pangangasiwa ng Department of Justice.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558