MARTIAL LAW | Dating PNoy, ayaw nang patulan ang mga pahayag ni Enrile

Manila, Philippines – Hindi na papatulan ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang mga pahayag ni dating Senador Juan Ponce Enrile kaugnay ng martial law.

Ayon kay Aquino – wala siyang mapapala sa pakikinig sa mga kasinungalingan ni Enrile.

Maraming ebidensya naman na nagpapatunay na maraming inaresto, ikinulong at inabuso noong panahon ng martial law kabilang na rito ang kanyang ama na si dating Senador Ninoy Aquino.


Tinabla rin ni Aquino ang akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakikipagsabwatan ang Liberal Party (LP) sa mga rebeldeng komunista para pabagsakin ang administrasyon.

Facebook Comments