Manila, Philippines – Posibleng isumite na ngayong araw ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa extension o hindi ng Martial Law sa Mindanao.
Mamayang hapon kasi ay magsasagawa ng Joint Command Conference ang Armed Forces of the Philippines at ang Philippine National Police sa Malacañang kasama si Pangulong Duterte.
Matatandaan na una nang sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na nagsasagawa na ng assessment ang AFP sa sitwasyon sa Mindanao at inaasahan aniyang magsusumite na ito ng kanilang rekomendasyon sa Pangulo ngayong linggo.
Una nanag sinabi ni Roque na siguradong ikokonsidera ni Pangulong Duterte ang lahat ng rekomendasyon na manggagaling sa grounds sa kanyang magiging desisyon kung palalawigin ba o hindi ang Martial Law.
Matatandaan na sinabi din ng Task Force Bangon Marawi na mas mapapabilis ang pagbangong muli ng lungsod kung mapapanatili ang Martial law.
Sisimulan ang nasabing command conference pasado 2:30 mamayang hapon, bukod sa command conference ay pangungunahan din naman ni Pangulong Duterte ang awarding ng Model OFW of the Year at haharapin din ni Pangulong Duterte ang kanyang mga supporters mula sa Pampanga.
Huling aktibidad ni Pangulong Duterte ngayong araw ay ang Cabinet Meeting na inaasahang magsisimula 5:30 mamayang hapon.
MARTIAL LAW EXTENSION |AFP at PNP, haharap kay Pangulong Duterte sa isang joint command conference
Facebook Comments