MARTIAL LAW EXTENSION | AFP, maglilibot sa Mindanao ngayong Nobyembre

Kokonsultahin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga mamamayan, LGUs at church leaders sa Mindanao para malaman ang kanilang saloobin patungkol sa umiiral na martial law sa Mindanao.

Ayon Kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ngayong Nobyembre ay mag-iikot sa Mindanao ang AFP, bago mapaso ang umiiral na extension ng martial law sa katapusan ng taon.

Ang kanilang makakalap na impormasyon ay makakatulong aniya sa kanilang magiging rekomendasyon sa Pangulo para sa posibleng panibagong extension ng martial law.


Sinabi ni Lorenza na ang isyung ito ay napag-usapan kagabi sa pagpupulong ng security cluster ng kabinete kasama ang PNP sa Cebu kahapon.

Matatandaang una nang inihayag ng Palasyo na ang posibleng pagpapalawig ng martial law sa Mindanao ay magiging depende sa rekomendasyon ng AFP at PNP.

Sinabi ni Lorenzana na bagaman at wala pa silang rekomendasyon sa Pangulo, naniniwala siyang may dahilan para i-extend ang martial law.

Tinukoy ni Lorenzana ang seguridad sa gagawing plebesito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) at midterm elections na parehong isasagawa sa susunod na taon.

Facebook Comments