Manila, Philippines – Minaliit lang ng Malakanyang ang inihaing petisyon ni Albay Rep. Edcel Lagman na kumukwestyon sa legalidad ng pinalawig na martial law sa Mindanao.
Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nakahanda ang Palasyo na idepensa ang batas militar sa Mindanao na iiral hanggang sa katapusan ng 2018.
Aniya, imahinasyon lang ang naiisip ng mga kontra sa naturang hakbang na ang batas militar sa Mindanao ay magiging permanente na, gayung ito ay unconstitutional o labag sa batas.
Binigyang diin pa ni Roque na dumaan sa proseso ang ekstensyon ng martial law dahil pinagpasyahan ito ng Ehekutibo at Kongreso.
Hindi rin naman aniya pwedeng maliitin ang mayorya ng mga mambabatas na bumoto pabor sa pagpapalawig ng martial law.
Facebook Comments