MARTIAL LAW EXTENSION | Kamara, tiniyak ang suporta

Manila, Philippines – Nagpahayag ng kahandaan ang liderato ng Kamara sa pagpapatibay ng pagpapalawig pa ng isang taon sa Martial Law at ang suspensyon ng writ of habeas corpus sa Mindanao.

Ayon kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, hinihintay na lamang nila ang pormal na kahilingan mula kay Pangulong Duterte patungkol sa usapin.

Kung darating na sa Kamara ang hirit na Martial Law extension, irerekomenda ng House Speaker na aprubahan agad ito.


Nauna na ring sinabi ng mayorya sa Kamara na mas mapapadali ang paglusot ng Martial Law extension kung magagarantiya ng militar at pulisya ang pagrespeto sa karapatan ng mga residente sa mga lugar na masasakop ng batas militar.

Pakikinggan din ang pananaw ng mga mambabatas mula sa Mindanao kaugnay sa panukala.

Facebook Comments