Martial law extension, magpapalala sa buhay ng mga taga-Mindanao

Mindanao – Nangangamba ang ilang mambabatas sa ilang mga epekto ng balak na extension ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat, hindi magiging normal ang sitwasyon at buhay ng mga taga-Mindanao kung patuloy pa rin na paiiralin ang batas militar.

Bukod sa takot, maapektuhan ang kabuhayan ng mga taga-Mindanao dahil sa walang papasok na investments sa rehiyon.


Magkakaroon din ito ng epekto sa tiwala ng mga kapatid na Muslim sa administrasyon kung igigiit pa rin ang military rule.

Sinabi pa ni Baguilat na sa halip na martial law extension ang gawin, dapat na pabilisin ang rahabilitation at reconstruction sa Marawi para sa pagbabalik sa normal na buhay ng mga residente doon.

Facebook Comments