MARTIAL LAW EXTENSION | Mga residente, dapat makipagtulungan sa militar

Manila, Philippines – Iginiit ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na dapat ay may kooperasyon sa militar ang mga residente sa Mindanao kaugnay sa umiiral na Martial Law.

Ito ay sa harap ng kanilang mas pinaigting na operasyon laban sa mga natitirang mga miyembro ng Maute ISIS Terrorist, Abu Sayyaf Group, BIFF at iba pang teroristang grupo.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero, napakahalaga na nagbibigay ng impormasyon ang mga residente sa lugar lalo kung may mga kahina-hinalang bagay o tao.


Bukod dito, nanawagan din si Guerrero na dapat aniyang umiwas ang mga residente sa Mindanao na gumawa ng anumang paglabag dahil makakatulong ito sa kanilang trabaho.

Kaugnay nito, sinabi ni Guerrero na asahan na ang mas maigting na pagpapatrolya, checkpoint operation sa buong Mindanao dahil sa pagpapatuloy ng Martial Law.

Facebook Comments