Manila, Philippines – Pinababasura ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema ang apat na petisyon na kumukwestiyon sa constitutionality martial law extension sa Mindanao.
Sa isinumiteng kumento ng OSG sa Korte Suprema , iginiit ni Solicitor General Jose Calida na dapat mabasura ang mga petisyon dahil sa kawalan ng merito.
Magkaiba aniya kasi ang orihinal na proklamasyon sa martial law kaysa sa pagpapalawig nito.
Ayon kay Calida, ang deklarasyon ng batas militar ay hakbang ng Pangulo, habang ang pagpapalawig nito ay desisyon naman ng Kongreso.
Bukas at sa Miyerkules itinakda ng Korte Suprema ang oral arguments sa mga petisyon kontra martial law extension.
Facebook Comments