Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang pag-apruba ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso sa hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ng Martial Law at suspension ng writ of habeas corpus sa buong Mindanao ng isang buong taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, isang welcome development ang desisyon ng mga mambabatas dahil nakita ng mga ito ang pangangailangan na palawigin ang batas militar para maibalik sa normal ang buhay ng mga residente ng Marawi City at matiyak na ligtas ang mga taga-Mindanao laban sa banta ng mga terorista at mga rebelde.
Hiniling naman ni Roque sa publiko na suportahan ang administrasyon sa paglaban sa rebelyon sa Mindanao at ubusin ang mga local at international terrorist at mga supporters nito.
Ang Martial law aniya ay responsibilidad ng lahat at sa pamamagitan ng pagkakaisa ay makakamit ang lahat ng minimithi.
MARTIAL LAW EXTENSION | Pag-apruba sa pagpapalawig, ikinatuwa ng Malacañang
Facebook Comments