Manila, Philippines – Sa kanyang Interpellation sa Oral Arguments, inihayag ni Justice Tijam na dapat may matibay na ebidensyang ihaharap ang Petitioners na magpapatunay na unconstitutional ang pagpapalawig ng Batas Militar sa Rehiyon.
Sa kabilang dako, sinabi ni Justice Tijam na maging ang kampo ng gobyerno ay maghahain din ng mga ebidensya na dedepensa sa kanilang rekomendasyon na palawigin ang Martial Law.
Sa pagsisimula ng oral arguments, binigyan ng tatlumpung minuto ang mga petitioners para sa kanilang opening statement.
Kabilang sa mga nagbigay ng opening statement sina Cong. Edcel Lagman, Atty. Neri Colmenares, dating COMELEC Chairman Christian Monsod at dating Solicitor General Florin Hilbay.
Kapwa iginiit nila na walang basehan ang pagpapalawig ng Martial Law dahil wala namang nagaganap na rebelyon at giyera sa Mindanao.
Hiniling din ni dating SolGen Hilbay sa Korte Suprema na i-exercise ang kapangyarihan para magsagawa ng Judicial Review.