Nakaalerto ngayon ang Maneuver Forces ng Philippine National Police matapos ang anunsyo ng Communist Party of the Philippines na mas maraming mga panggugulo ang kanilang gagawin bilang protesta sa inaprobahang extension ng Martial law sa Mindanao.
Ayon kay PNP spokesperson Police Chief Supt. Benigno Durana ideneploy na ng PNP ang kanilang Police mobile strike forces sa sampung lalawigan sa Eastern Visayas, Negros Island at Bicol region.
Habang mahigpit rin silang nakikipag ugnayan sa militar para mas maging malakas ang kanilang pwersa laban sa mga planong pag atake pa ng NPA.
Sa kabila naman ng pagiging alerto ng PNP laban sa NPA ay nanawagan pa rin ang PNP sa mga miyembro ng NPA na sumuko na lamang sa gobyerno.
Panawagan rin pamunuan ng PNP sa publiko na maging mapagmatyag at alerto.