MARTIAL LAW EXTENSION | Posibleng pagkwestyon sa hiling ng Pangulo, hindi ikinababahala ng Malacañang

Manila, Philippines – Walang problema sa Palasyo ng Malacañang kung mayroon mang grupo o indibidwal na kukuwestiyon sa hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na palawigin o pa o i-extend ang Martial Law sa buong Mindanao ng isang taon.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, malaya ang sino man na idulog sa Korte Suprema ang kanilang pagkontra sa mga ginagawang hakbang ni Pangulong Duterte.

Binigyang diin ni Roque na handang depensahan ng Malacañang ang desisyon ng Pangulo dahil mayroon itong mga basehan kung bakit kailangang palawigin pa ang Batas Militar.


Tiwala naman si Roque na tatayo sa Korte Suprema ang desisyon ng Pangulo dahil una na rin namang kinatigan ng Kataas-Taasang Hukuman ang unang pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.

Facebook Comments