MARTIAL LAW EXTENSION | Respondents sa petisyon, pinagkokomento ng Korte Suprema

Manila, Philippines – Pinagko-komento ng Korte Suprema ang respondents sa petisyon kontra martial law extension na inihain ng opposition congressmen.

Sampung araw ang ibinigay ng Korte Suprema sa mga respondent para magsumite ng kanilang komento.

Naka-recess ngayon ang Supreme Court en banc session, pero nagbigay ng otoridad si Chief Justice Maria Lourdes Sereno para iutos ang pagsusumite ng kumento alinsunod sa rekumendasyon ng mahistradong naatasang magponente ng desisyon sa kaso.


Kabilang sa respondents sa petisyon sina Senate President Aquilino Pimentel III, House Speaker Pantaleon Alvarez, Executive Secretary Salvador Medialdea, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Budget Secretary Benjamin Diokno at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero.

Kasama sa mga naghain ng petisyon sina Congressmen Edcel Lagman, Tomasito Villarin, Edgar Erice, Teddy Brawner Baguilat, Gary Alejano at Emmanuel Billiones.

Hiniling ng mga petitioner na magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order o ng writ of preliminary injunction para pigilan ang pagpapatupad ng panibagong martial law extention sa Mindanao na tatagal hanggang December 31, 2018.

Facebook Comments