MARTIAL LAW EXTENSION | Supreme Court, magsasagawa ng oral arguments kaugnay sa mga petisyong inihain kontra sa ekstensyon

Manila, Philippines – Magsasagawa ng oral argument ang Korte Suprema upang dingin ang mga petisyong inihain kontra sa 1 taong ekstensyon ng Martial Law sa Mindanao.

Sa Press briefing ngayong hapon, inanunsyo na napagdesisyunan ng mga mahistrado na itakda ang pagdinig sa Martes at Miyerkules, January 16 at 17, 2018, at kung kakailanganin ay ie-extend pa ito sa January 18.

Ang mga petisyong nakatakdang dinggin ng Korte Suprema ay inihain ng mga opposition congressman na kinabibilangan nina Congressman Edcel Lagman, Gary Alejano, Tomasino Villarin, na kumukwesyon sa constitutionality ng extension ng Martial Law sa Mindanao, na tatagala hanggang December 31, 2018


Facebook Comments