Martial law, hindi dapat paglaruan ni Pangulong Duterte, ayon kay Sen. Hontiveros

Manila, Philippines – Para kay Senator Risa Hontiveros umaakto na parang maliit na batang lalaki na naglalaro ng martial law si Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit ni Hontiveros kay Pangulo Duterte, ang martial law hindi isang laruan na basta ka na lang may pipindutin para malakita kung ano ang kakahinatnan nito at paano tutugon ang lahat dito.

Sa tingin ni Hontiveros, tinitesting ngayon ng Pangulo Duterte kung hanggang saan ang limitasyon ng kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagdedeklara ng martial law sa buong Mindanao at bantang pagpapalawig nito sa buong bansa.


Pagtiyak ni Hontiveros, hindi niya papayagang paglaruan ni Pangulong Duterte ang demokrasya sa bansa.

DZXL558, Grace Mariano

Facebook Comments