Martial law, hindi pa dapat bawiin- kongresista

Manila, Philippines – Sa kabila ng deklarasyon ng liberation o kalayaan sa Marawi, iginiit ng isang kongresista na hindi pa napapanahon para bawiin ng Pangulo ang Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay AANGAT TAYO PL Rep. Harlin Neil Abayon, kahit pa napatay na ang mga teroristang lider na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon, hindi pa rin dapat bumaba ang lebel ng alerto sa rehiyon.

Kailangan pa rin aniyang panatilihin ang martial law sa Mindanao para hindi makapagsamantala ng sitwasyon ang mga natitirang galamay ng Maute o mga kaalyado nito.


Kung mananatili pa ang batas militar ay matitiyak na hindi makakalusot palabas ng Marawi at Lanao ang mga myembro ng Maute na nakaligtas sa operasyon ng AFP.

Kung aalisin na ang martial law, ay pwedeng makapag-regroup ang mga ito at makapaghasik pa ng karahasan sa ibang panig ng Mindanao o malala ay sa buong bansa.

Facebook Comments