Martial Law, idineklara sa siyudad ng Yangon sa Myanmar

Isinailaim na sa Martial Law ang siyudad ng Yangon sa Myanmar.

Kasunod ito pagkamatay ng 39 na inbidwal kabilang ang 22 protesters matapos sunugin umano ng pwersa ng militar ang isang Chinese-financed factories sa lungsod.

Ayon sa mga saksi, una munang pinausukan ng militar ang mga gusali at tsaka nagpaulan ng bala.


Habang 16 pa ang nasawi sa dahil sa nagpapatuloy na kilos protesta kabilang ang isang pulis.

Facebook Comments