Martial law, irerekomenda sa Sulu

Irerekomenda ni Philippine Army Chief Lt. General Cirilito Sobejana ang pagpapairal nang martial law sa buong lalawigan ng Sulu matapos ang naganap na magkasunod na pagsabog sa Jolo kahapon.

Ayon kay Lt. Gen. Sobejana, makikita sa sitwasyon ngayon sa Sulu na kinakailangang ipatupad ang batas militar.

Marami aniya ang namatay at nasugatan kaya mas maiging makontrol ang galaw ng mga tao sa lalawigan.


Sakali aniyang maideklara ang martial law, ang sitwasyon na sa Sulu ang magsasabi kung kailan aalisin ang batas militar.

Sa ngayon, wala pang pormal na rekomendsyon si Sobejana pero sinabi nyang makakarating ang rekomendasyon sa pangulo sa pamamagitan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Gilbert Gapay at Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Facebook Comments