Martial law, malabong ibasura ng Kamara

Manila, Philippines – Tiniyak ng mga mambabatas sa Kamara na hindi nila ire-revoke o ipapawalang saysay ang idineklarang martial law ng Pangulo sa Mindanao.

Ayon kay House Defense Committee Senior Vice Chairman Ruffy Biazon, imposibleng ibasura ito ng Kamara dahil nakikita ng mayorya ng mga kongresista ang pangangailangan para tuldukan ang problema sa terorismo.

Pero kung si Biazon ang tatanungin, sapat na ang animnapung araw para pairalin ang martial law sa Mindanao at hindi na dapat ito palawigin depende na lamang kung talagang kinakailangan.


Hindi naman iniaalis ng kongresista ang spill over ng martial law o pagpapatupad nito sa ibang bahagi ng bansa tulad sa Visayas dahil may mga kagrupo ang Maute group sa labas ng Marawi na maaaring maglunsad ng pagatake para mailigaw ang atensyon ng gobyerno.

Tama lamang din aniya ang deklarasyon ng Pangulo ng martial law sa rehiyon upang ma-contain ang grupo at hindi na makapaghasik ng gulo at takot sa ibang lugar sa bansa.

DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments