Mas mapag-uusapan ang Martial Law ngayong 2022 elections.
Sa interview ng RMN Manila kay Dr. Jean Franco, isang political analyst, mas mauungkat ito dahil sa pagtakbo ng anak ng nagpatupad nito na si Bongbong Marcos.
Dagdag pa rito na dahil sa mga Marcos, ang isa sa rason ni Vice President Leni Robredo sa pagtakbo nito bilang presidente at ang mga sektor na hindi dapat kalimutan ang naging masamang epekto ng Martial Law sa bansa.
Samantala, igiinit ni presidential aspirant Manila Mayor Isko Moreno na patahimikin na ang mga personalidad ng Martial Law na sina dating Pangulong Ferdinand Marcos at Pangulong Cory Aquino.
Aniya, mag-move on na dahil ito ay nangyari na 30 taon nang nakakalipas.
Facebook Comments