Manila, Philippines – Nakakasira pa rin sa imahe ng bansa ang martial law.
Ito ang paninindigan ni House Deputy Minority Leader Alfredo Garbin sa kabila ng resulta ng SWS survey na 57% ng mga Pilipino ay pabor sa martial law sa Mindanao.
Ayon kay Garbin, kahit mataas ang porsyento ng mga pabor sa batas militar hindi nangangahulugan na gusto ng mga Pilipino ng martial law sa Luzon at Visayas.
Giit ng kongresista, hindi rin maganda para sa reputasyon ng bansa ang martial law tulad ng suhestyon naman ni House Speaker Pantaleon Alvarez na palawigin ito sa 2022.
Paliwanag ni Garbin, kahit nasa iisang lugar lang ang batas militar, sa paningin naman ng international community ay buong bansa ang napapasailalim sa batas militar.
Kung magtatagal pa ang martial law, mangangahulugan ito na hindi kayang resolbahin ng AFP ang problema ng terorismo at rebelyon sa Mindanao.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558