Manila, Philippines – Kinumpirma ng Commission on Human Rights na may natanggap na silang sumbong kaugnay sa paglabag sa karapatang pang tao sa ilalim ng martial law sa Mindanao ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline de Guia ito ay nangyari noong Hunyo base narin sa report ng CHR regional Davao office.
Meron din aniya sa Osamis City at Cagayan de Oro kung saan sinasabi ng Integrated Bar of Philippines .
Ilan sa mga sundalo na bigla bigla na lamang pumapasok sa mga bahay at establishmento nang walang bitbit na search warrant o presensya na media at iba pang otoridad.
At bukod pa dito meron pang 5 sumbong na inilatag ang IBP kayat nakikipag ugnayan na sila sa Arm Forces of the Philippines, Human Rights Affairs Office at DSWD.
Sa huli, umapela si de Guia, na wag silang pag initan ng publiko dahil sa totoo lang trabaho ng pulis at iba pang law enforcer na magsagawa ng imbistigasyon habang sila naman ay nag sisilbing watchdog o taga bantay lamang kung may umaabuso na sa kapangyarihan ang mga opisyal gobyerno.