Martial law sa buong Mindanao, mananatili

Manila, Philippines – Hindi pa babawiin ng pamahalaan ang ipinatutupad na martial law sa buong Mindanao.

Ito’y kahit napatay na ng militar ang dalawang lider ng Maute-ISIS group na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, mas naka-focus ang pamahalaan sa ‘aftermath’ ng nagpapatuloy pang giyera sa Marawi City.


Aniya, matapos ang kanilang magiging assessment saka pa lamang nila malalaman kung dapat nang bawiin ang ipinatutupad na martial law.

Ipinauubaya na rin aniya niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon kung babawiin o ipagpapatuloy pa rin ang batas militar sa Mindanao.

Facebook Comments