Martial law sa Mindanao, binabantayan ni FVR

Manila, Philippines – Masusing mino-monitor ng dating Pangulong FVR ang pinaiiral na martial law sa Mindanao.

Sa kanyang press conference,sinabi ni Ramos na dapat tiyakin ng gobyerno na hindi maaabuso ang pinaiiral na batas militar sa rehiyon.

Umaasa rin si Ramos na hindi na palalawigin ng pamahalaan ang animnapunh araw na ideneklarang martial law sa Mindanao.


Kinuwestiyon din ng dating pangulo kung bakit sa buong Mindanao pinairal ang batas militar dahil marami naman aniyang lugar sa Mindanao ang tahimik.

Hindi rin naniniwala si Ramos na hindi apektado ng martial law ang mga negosyo sa Mindanao.

Samantala, kinuwestiyon din ni FVR ang malaking bilang ng delegasyon ng Pangulong Duterte sa Russia na nagmistula aniyang junket.

Nagtataka rin si Ramos kung bakit kasama sa nasabing delegasyon si PNP Chief Ronald dela Rosa.
DZXL558, Joyce Adra

Facebook Comments