Manila, Philippines – Hiniling ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na i-terminate na ang Martial Law sa Mindanao.
Ito ay kasunod ng anunsyo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na tinatapos na ngayong araw ang opensiba ng militar sa Marawi.
Ayon kay Zarate, panahon na para alisin ang martial law sa Mindanao at hindi dapat gamiting dahilan para sikilin ang karapatan ng mga tao roon.
Pangunahing tinukoy ni Zarate ang karapatan ng mga Lumad, iba pang katutubo at mga Muslim sa rehiyon na ngayon ay nahihirapan dahil sa resulta ng digmaan.
Ipinakukunsidera din sa Duterte administration ang kahalagahan ng peace process lalo na sa mga revolutionary groups.
Hindi aniya dapat palaging militarist solution ang gamitin ng pamahalaan dahil nagiging dahilan lamang ito ng pagkasira ng buhay ng mga inosenteng sibilyan.