Martial law sa Mindanao, hindi na dapat ikagulat ng publikob

Manila, Philippines – Inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na hindi na dapat ikagulat ng publiko ang pag dedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa Mindanao.

Ayon Panelo, noon pa man ay sinabi na ni Pangulong Duterte ang posibilidad na magdeklara ng batas militar sa buong Mindanao.

Hindi na aniya bago sa pandinig ang katagang martial law mula sa pangulo dahil nagbanta na ito na idedeklara ang batas militar kung sakaling pilitin siya ng mga teroristang grupo sa Mindanao.


Sa pahayag naman ng pangulo sa kanyang pagbalik sa Pilipinas, inihayag nitong magiging marahas ang magiging pagtugis sa mga kalaban na nagpasimuno ng gulo sa Marawi.
DZXL558, Deo de Guzman

Facebook Comments