Hindi na palalawigin pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umiiral na Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Presidendial Spokesperson Salvador Panelo, unanimous ang naging pasya ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at National Security Officers na huwag nang palawigin pa ang Martial Law.
Aniya, ang pagkakaaresto o pagkasawi sa mga miyembro at lider ng mga teroristang grupo ang nagpahina sa terorrismo at rebelyon sa Mindanao.
Maliban dito, bumaba na rin aniya ang crime index sa Mindanao Region.
Pagtitiyak ni Panelo, ang anumang banta sa Mindanao Region ay na natutugunan ng pamahalaan.
Facebook Comments