Martial Law sa Mindanao, maganda pa ang epekto sa mga residente at ekonomiya ng rehiyon ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na maganda pa ang epekto ng pagpapalawig ng Martial law sa mga residente at ekonomiya ng Mindanao.

Paliwanag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, sakaling mapalawig ang martial law sa Mindanao ay hindi naman ito makaaapekto sa ekonomiya ng rehiyon dahil patuloy parin naman ang pagpasok ng mga turista bukod sa iilang nagkansela ng kanilang mga biyahe dahil sa inilabas na travel advisory ng kanilang mga bansa.

Sinabi pa ni Andanar, mas mabuti pa nga na may martial law dahil mas nababantayan ngayon ang seguridad ng mga negosyo mga residente at turista dahil sa patuloy na pagtugis ng mga otoridad sa mga terorista at iba pang kalaban ng estado.


Ito ang sagot ng Malacanang sa mga batikos na ibinabato ng mga kritiko sa planong pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao ng 5 buwan o hanggang matapos ang 2017.

Facebook Comments