Mindanao – Anim sa bawat sampung Pinoy ang nagsabing hindi na kailangan pang palawigin ang batas militar sa Mindanao.
Ito ang lumabas sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa mula Disyembre 8 hanggang 16, kung saan katumbas ito ng animnapu’t dalawang porsyento (62%) ng mga pinoy ang tutol sa martial law extension.
Sa nasabing survey – dalawangpu’t anim (26) lang ang pabor habang labindalawang porsyento (12%) ang hindi makapagdesisyon.
Sa Metro Manila naitala ang may pinakamataas na pagtutol sa martial law na nasa 67%, 63% sa Luzon habang ang mga mismong taga-Mindanao na apektado ng martial law ay nasa animnapu’t dalawang porsyento (62%) ang tutol.
Lumabas din sa survey na 66% ng mga Pinoy ang naniniwalang kayang talunin ng Armed Forces of the Philippines ang Maute Terrorist Group at Abu Sayyaf Group kahit walang idinedeklarang martial law sa Mindanao.