Hindi adbokasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.
Ito ang sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Candon City Bypass Road sa Ilocos Sur kagabi.
Pero aniya – kung hihilingin ito ng mga local government official, hindi siya magdadalawang isip na paburan ito.
Noong Martes, matatandaang sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na irerekomenda niya ang martial law extension ng isa pang taon dahil sa nagpapatuloy na rebelyon sa rehiyon.
Mayo 2017 nang ideklara ni Pangulong Duterte ang batas militar sa Mindanao kasunod ng pag-atake ng ISIS-inspired Maute Group sa Marawi City.
Sa Disyembre, magtatapos ang martial law maliban na lang kung palawigin muli ito ng Kongreso.
Facebook Comments