Manila, Philippines – Posibleng bawiin na ang umiiral na martial law sa Mindanao.
Ito ang sinabi ni Armed Forces of the Philippines Brig. Gen. Restituto Padilla kasunod ng ikalimang pagbisita kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Marawi City.
Ayon kay Padilla, personal na inihayag ni Pangulong Duterte na malapit na niyang alisin ang deklarasyon ng martial law sa Mindanao lalo na’t patapos na ang clearing operation sa Marawi at kung wala nang spillover ng karahasan sa ibang lugar.
Sa pagbisita ng Pangulo, isiniwalat din niya na isa ang napatay na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog kasama ang ilang pulitiko sa Central Mindanao sa mga nagpondo sa Maute terror group.
Facebook Comments