Posibleng muling i-extend ang umiiral na Martial Law o batas militar sa Mindanao.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel & Spokesperson Salvador Panelo na makikinig si Pangulong Rodrigo Duterte kay National Security Adviser Hermogenes Esperon dahil sya ang “Man on the ground.”
Reaksyon ito ng palasyo makaraang sabihin kamakailan ni Esperon na ihihirit nila ang muling pagpapalawig sa batas militar sa Mindanao dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan doon.
Noong Enero, matatandaang naganap ang kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu kung saan 21 ang nasawi habang 100 naman ang naitalang sugatan.
Sa nasabi ring rekomendasyon ni Esperon ay posibleng alisin sa mga lugar na nasa ilalim ng batas militar ang Davao dahil nananatili namang payapa sa hometown ng pangulo.
Kung pagbibigyan, ito na ang ika-apat na Martial Law extension sa Mindanao.