Manila, Philippines – Suportado ng Minority Bloc sa kamara ang martial law sa Mindanao.
Sa press briefing kanina, sinabi ni Kabayan Rep. Harry Roque na sapat para sa kanila ang naging basehan ng pangulo para magdeklara ng batas militar.
Gayunman, hindi pa rila sila kampante sa pahayag ng militar na kontrolado na nito ang lungsod ng Marawi City.
Ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez – naniniwala siyang imposible ito dahil may nakukunan pang litrato ng mga sasakyang bumabiyahe sa marawi na mayroong bandila ng ISIS.
Pero aniya, nauunawaan niyang hindi madali ang laban ng mga sundalo sa bawat sulok ng Marawi City lalo na kung naka-pagpwesto ng snipers ang Maute.
Dahil dito, imposible umanong ma-lift ang martial law declaration bago pa magtapos ang 60 days na inisyal na taning sa implementasyon nito sa ilalim ng konstitusyon.
Dagdag pa ni Roque – wala ring susuporta sa ideya na bawiin ang martial law declaration bago ang 60 day period hindi lamang sa hanay ng mga mambabatas kundi pati sa publiko.
DZXL558