MARTIAL LAW | SolGen Calida, pinagtanggol ang ekstensyon

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni Solicitor General Jose Calida ang isang taong extension ng martial law sa Mindanao na epektibo na ngayong araw.

Ito ay matapos kwestunin ng opposition lawmakers ang legalidad nito sa Korte Suprema.

Giit ni Calida – hindi matatapos ang problemang rebelyon sa loob lamang ng 60 araw dahil ilang dekada nang namamayagpag ang mga bandido, komunista at teroristang grupo sa Mindanao.


Itinuturing din ni Calida na ‘destabilizers’ ang mga kritiko ng administrasyong Duterte.

Facebook Comments