Sa susunod na Semester o sa January 2020 ay ituturo ang subject tungkol sa Martial Law sa University of the Philippines (UP) Diliman.
Ito’y matapos aprubahan University Council ang 3-unit General Education Subject na Philippine Studies 21 o Wika, Kultura, at Panitikan sa ilalim ng Batas Militar sa Pilipinas.
Paglilinaw ni Nak Kimuell Gabriel, member ng Philippines studies 21 Committee, hindi limitado sa Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang aralin lalo’t idineklara rin ito ng iba pang mga pangulo.
Sa ngayon, kailangang aprubahan ng U.P. Board of Regents ang isinusulong na Martial Law Subject.
Facebook Comments