Martin Diño, pinanindigan na inalok siya ni P-Duterte ng posisyon sa DILG

Manila, Philippines – May paliwanag si dating Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) chairman Martin Diño kung bakit walang alam si Presidential spokesman Ernesto Abella sa alok na puwesto sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Dino, wala naman si Abella sa isang meeting sa Malacañang noong nakaraang buwan kung saan inalok sa kaniya ang puwesto bilang undersecretary for barangay affairs.

Malamang aniya na misinformed ang Pangulo sa tunay na nangyayari sa loob ng SBMA.


Ito ang dahilan kung bakit si Atty. Wilma Eisma na pinaparatangan niya ng katiwalian ang ipinalit niya.

Facebook Comments