
Posibleng maharap sa kasong plunder, anti-graft, o indirect bribery sina dating House Speaker Martin Romualdez at dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, sakaling makakita ng matibay na ebidensiya ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) at DPWH kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., isusumite na ng ICI at DPWH sa Ombudsman ang lahat ng nakalap nilang impormasyon kaugnay ng kontrobersya.
Malinaw aniya ang proseso at kung may ebidensiya, Ombudsman ang mag-iimbestiga.
Kapag napatunayang mabigat ang hawak na impormasyon, maaari nang sampahan ng mabibigat na kaso ang dalawang dating mambabatas.
Kumpiyansa si Marcos na tutuparin ng Ombudsman ang mandato nito at susundan lamang ang direksiyon na itinuturo ng ebidensiya.









