MARTSA KONTRA KORAPSYON, ISASAGAWA SA DAGUPAN CITY KASABAY NG ANIBERSARYO NG EDSA PEOPLE POWER

Magsasagawa ng martsa kontra korapsyon ang Kabataan Partylist – Pangasinan ngayong araw sa Dagupan City sa ganap na alas singko ng hapon, kasabay ng paggunita sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon sa partido, layunin ng aktibidad na ipanawagan ang pananagutan sa mga sangkot sa katiwalian at hikayatin ang publiko, lalo na ang kabataan, na makiisa sa kampanya laban sa korapsyon.

Dagdag pa rito, iginiit ng partido na ang tunay na diwa ng EDSA ay makikita sa sama-samang pagkilos ng mamamayan.

Kasabay nito ay magkakaroon din ng Regional Assembly sa Angeles City, Pampanga bilang bahagi ng koordinadong mobilisasyon ng partido.

Facebook Comments