Amerika – Higit 95% populasyon ng mundo ang nakakalanghap ng maruming hangin.
Sa annual state of global air report ng Health Effects Institute (HEI), tinatayang nasa 6.1 million na tao ang namamatay sa buong mundo nitong 2016 dahil sa long-term exposure sa air pollution.
Ang matagal na paglalanghap ng maruming hangin ay nagdudulot ng stroke, atake sa puso, lung cancer, chronic lung disease.
Ang air pollution ay ika-apat sa pangunahing dahilan ng kamatayan ng tao bukod sa blood pressure, diet at paninigarilyo.
Lumabas din sa report na lubos ng tinatamaan nito ang mga mahihirap na bansa.
Facebook Comments