MARUMING TUBIG BUNSOD NG NA-BACKHOE NA WATER PIPE LINES SA DAGUPAN CITY, REKLAMO NG ILANG RESIDENTE NG LUNGSOD

Ilang mga residente pa rin sa Dagupan City ang nakararanas sa kalidad ng tubig na lumalabas sa kanilang gripo kasunod ng nangyaring insidente noong Biyernes kung saan aksidenteng nabackhoe ang mga water transmission line sa construction facility sa konstruksyon ng mga road project sa lungsod.
Bukod sa kawalan ng suplay ng tubig ng buong araw, nakaranas din ang iba ng low pressure kahit pa agarang naayos din ang natamaang pipe lines.
Reklamo pa ng iba ang kalidad ng tubig dahil marumi umano ang lumalabas sa mga gripo at hindi magamit na panghugas ang mga ito.

Samantala, nag-abot naman ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Dagupan sa mga malalapit na apektadong mga barangay at nakapagbigay ng tubig mula sa water at firetruck. |ifmnews
Facebook Comments