MARUMING TUBIG, PROBLEMA NG ILANG BARANGAY SA URBIZTONDO

Inirereklamo ng mga residente ng Brgy. Real ang maruming tubig na nagmumula sa kanilang water supply matapos masira ang isang water pumping station bunsod ng soil erosion.

Ayon sa pamunuan ng Urbiztondo Water Services, nagkaroon ng erosion sa ilalim ng pinagkukunan ng tubig na nagresulta sa mabuhangin at hindi malinaw na tubig na dumadaloy sa mga gripo ng mga konsyumer.

Dahil sa insidente, umaapela ang mga residente na ibaba ang singil sa tubig bilang tugon sa hindi magandang kalidad ng serbisyong kanilang natatanggap, na posibleng magdulot ng sakit sa mga nakararanas ng problema.

Tiniyak naman ng Urbiztondo Water Services na inaayos na ang nasirang pump at nakikipag-ugnayan na sila sa mga technicians mula sa karatig probinsya upang agarang maresolba ang problema. Patuloy ang kanilang pagbibigay ng updates sa mga residente hinggil sa progreso ng pag-aayos. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments