
Hinatulan ng anim hanggang sampung taong pagkabilanggo ng Sandiganbayan si Mary Ann Maslog dahil sa kasong katiwalian.
Si Mary Ann Maslog na isang ahente noon ng isang publishing company ay nahaharap ss kasong graft kaugnay sa ₱24 million na textbook scam noong 1998 subalit na-dismiss ang kaso matapos umanong pekein niya ang pagkamatay at nagtago sa pangalang Jessica Francisco.
Pinagbawalan na rin si Maslog na makapuwesto sa anumang posisyon sa gobyerno.
Tumanggi nang magkomento si Maslog pero ayon sa kaniyang abogado na si Atty. Nicole Jamilla, maghahain sila ng motion for reconsideration.
Facebook Comments