Nilinaw ng Philippine Statistics Authority (PSA) na wala silang record ng kapanganakan ng isang Mary Grace Piattos na umano’y benepisyaryo ng pondo ng Office of the Vice President (OVP).
Ang pangalang Mary Grace Piattos ang umano’y nakatala sa acknowledgment receipts na naisumite sa Commission on Audit (COA) noong 2022.
Tugon ito ng PSA matapos na hingin ng House Quad Committee ang identity ni Mary Grace Piattos.
Ayon sa PSA, wala itong kahit anong record sa kanilang database maging para sa individual’s birth, marriage at death record.
Ayon sa PSA, sakaling sila ay makatanggap ng impormasyon mula sa mga magulang ng isang Mary Grace Piattos, agad silang kukuha ng anumang impormasyon sa civil registry.
Magugunita na lumabas sa pagdinig na ang apelyedong Piattos ay mula sa Davao City.